Ang bilis ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis, hindi ko alam na tapos na pala.
Nagpunta ako sa isang hindi kilalang tattoo shop. Magtatanong-tanong lang sana ako kung magkano yung aabutin ng design na gusto ko. Masyadong mahal kaya napaurong ako sa balak ko, ang balak ko kasi kung mura lang yung aabutin.. gorabels na, wala ng urungan, kaso wala eh – MAHAL! Nang paglabas ko sa shop someone approached me, nakita ko galing siya sa loob ng shop, isa siguro sa mga artist or something. Tinanong nya ako kung magkano daw ang budget ko sa pagpapatats, sinabi ko yung presyo then sabi nya patingin daw nung design pagkakita niya sabi niya sakin kayang kaya niya daw gawin, kahit wala ng bayad. Nagulat ako, pero hindi ko pinahalata, sabi ko na lang salamat babalik na lang kako ako sa susunod. Naglakad na ako palayo sakanya nang bigla siyang sumigaw na, “Balik ka ha!” tapos nag-smile siya.
After a week bumalik ako, sakto na yung pera ko, pwede na ako magpa-tats! Yehey! Kaso gago lang, kailangan pala magpa sched muna. Ay tanga lang! Uuwi na sana ako ng nilapitan ulit ako ng lalaking lumapit sa akin the last time that I came there. Sabi niya sakin yung isa daw na titintahan nya nagbackout kaya okay lang na ako na. Aba siyempre go na ako! Muka namang okay siyang artist eh, pero para makasiguro tinanong ko siya kung pede kong makita yung mga previous tats na nagawa niya. WOW ha. Magaling siya. GO na!
I’m nervous and I’m alone, FUCK! Parang ayaw ko ng ituloy ah. Naramdaman din niya siguro na parang nagdadalawang-isip ako kaya tinanong nya ako kung itutuloy ko pa. Tumango ako. Ayokong magsalita baka manginig ang boses ko eh.
Pinaupo na niya ako then inayos na niya yung mga gagamitin niya para tintahan ako. Inayos ko na yung damit ko, sa balikat kasi ako mag-papalagay. Nagulat ako ng bigla niyang hinalikan yung balikat ko. Tang ina ano yun? Tiningnan ko siya ng masama pero nginitian lang ako ng loko at itinuloy ang pagpupunas ng kung anong something sa balikat ko. Naisip ko na baka ritual niya lang yun or something bago siya mag-tinta, kaya hinayaan ko na lang.
TANG-INA MASAKIT. Pero worth-it.
Bago ako umuwi nilapitan ko yung tattoo artist ko, tinanong ko siya, kung lahat ba ng tina-tattoo-an nya kinikiss niya talaga, tinanong ko kung ritual ba nya yun or something. Tumawa lang siya ng malakas. Nagtawanan din yung mga kasamahan niya na nakarinig sa tanong ko. AWKWARD. Kaya nagpasya na akong magpaalam at magpasalamat sa kanya. But before I go kinuka niya ang number ko, para daw mamonitor niya yung tats ko hanggang gumaling. Nagtaka man ako binigay ko parin sakanya ang number ko, baka ganun talaga eh.
After that day doon na nagsimulang magkakulay ang buhay ko. Nagkakulay na nga ang balat ko nagkakulay pa ang buhay ko. Nice. Nagtetext siya everyday, actually every hour nga eh. Basta wala siyang ginagawa nagtetext siya sakin. Puro tungkol sa pag-aalaga ng bago kong tats ang pinag-uusapan namin, minsan kung ano-ano lang. After a week nang totally maging okay na ang tattoo ko, I thought hindi ko na siya makakatext non kasi okay na eh. Pero nagulat ako ng tumawag siya at tinanong kung pwede daw kami magkita. Oo kinilig ako, crush ko na siya eh. His hair, his tats, his humour… haay kilig much. Pero bawal ipahalata, ano ako malandi? Hahaha. I asked him siyempre kung bakit kami magkikita. Medyo nadismaya ako sa sagot niya pero okay lang din atleast concern siya sa tats ko.
Nagkita kami sa isang malapit na mall sa lugar ko, akala ko nga sa shop nila kami magkikita eh. Pagdating ko sa pinagusapan naming lugar andoon na siya. Nice. Natatawa ako sa mga reaksyon na tao pag napapatingin sakanya. Yung iba amaze, yung iba naman napapasimangot. Pero mas natatawa ako sakanya kasi wala siyang pakialam sa mga taong napapatingin sakanya. Tinawag ko siya. Lumapit siya sa akin at inaya ako na pumasok dun sa loob ng coffee shop. Sabi ko wag na tapos pinakita ko na sakanya yung tattoo ko. Baka kasi may mahalaga pa siyang pupuntahan eh. Sabi niya lang sa akin, eto na nga daw ang mahalaga niyang pupuntahan. Tapos hinila na niya ako papasok dun sa coffee shop.
Kwentuhan lang kaming dalawa. Parang antagal na naming magkakilala. Yung feeling na sobrang gaan nang loob mo sakanya. Swak na swak kaming dalawa.
Nasundan pa yung pagkikita naming dalawa. Every weekend nagkikita kami hanggang sa pagwala siyang sched ng pagtatats sinusundo nya na ako sa office. Normal na saming dalawa na magkasama. Halos lahat nga nagtatanong kung kami na daw eh. Aba, ewan ko. Nanliligaw ba siya? Ano ba talaga kami? Ang sabi nya hindi naman daw mahalaga kung ano kami eh ang mahalaga daw masaya kami at enjoy kami sa company ng isat-isa. Fuck! Anong klase yun?
Ilang buwan na din kaming ganito, walang pangalang samahan. Hahaha. Para kaming normal na couple. He’s sweet, he makes me smile every hour of the day, I feel safe whenever he hugs me, I feel beautiful and loved every time he kiss me, kaya ano pang hihilingin ko?
Then one day pumunta ako sa bahay niya para tumambay nang may maabutan akong lalaki na palabas sa bahay niya. Pag pasok ko ng bahay nakita ko siya sa sala nagyoyosi habang nanonood ng tv, tinabihan ko siya sa upuan pero parang hindi niya ako nakita, I hugged him tight pero parang wala siyang naramdaman. Naisip ko na badmood lang siya kaya hindi ko na lang pinansin. Pero pota ilang araw na siyang ganito saakin. To ease the tension tinanong ko siya kung sino yung lalaki na lumabas. “Boyfriend ko.” Seryosong sagot niya. Tumawa lang ako. Pero seryoso parin siya. “Bakla ako, kaya layuan mo na ako.”
FUCK! Ano to lokohan? My camera bang nakatago? I was laughing so hard when he started to cry. I don’t know what to react so I just hugged and kissed him. Pero bigla na lang niya ako itinulak.
“Bakla nga ako. Please, lumayo ka na. Sorry kung nasaktan kita.”
“You’re kidding right?”
“Please go. I’m Sorry.”
What the fuck? Umalis na lang ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang irereact ko. Naguguluhan parin ako kung totoo ba o hindi ang mga sinabi niya. I know he’s not gay. I know. Pero bakit ganon?
After that day he started to avoid me. Hindi siya nagrereply sa mga text ko. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Pag nagpupunta ko sa bahay nila wala laging tao. Pag nagpupunta ko sa tattoo shop wala din lagi siya. Putang ina! Ano ba? 2 weeks ng ganito ah.
Gusto ko ng tumigil sa paghahanap sakanya. Pero hindi ko magawa. Putang ina ba naman ang farewell speech niya malabo pa sa tubig kanal. Kahit sino hindi maniniwala na bading siya. Sana sinabi niya na lang na layuan ko na lang siya kasi may nakita siyang babae na mahal niya or something. Pero bading? Fuck! Para na din niyang sinabi na mabubuhay ako pag nagbaril ako sa ulo. Pero yung iyak niya, yung lungkot sa mga mata niya, yung kaseryosohan niya ng sinabi niya na luyan ko siya, alam ko totoo yun. Pero bakit?
After a month naawa siguro ang langit sa akin kasi may isang tao na lumapit saakin at sinabi kung saan ko siya matatagpuan. I’m shocked! Bakit siya nandoon?
I’m scared, I’m nervous, I don’t wanna be alone again.
Pag-bukas ko sa kwartong sinabi sa akin ng kaibigan niya nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko mapigilang humikbi kaya napansin niya na may tao. Ngumiti siya nang mapagtanto niya na ako ang pumasok. Lumapit ako sa kanya then I hugged him so tight. “Tang ina alam mo na ang sekreto ko. Hahahaha. Sorry ha. Alam ko kasing mas masasaktan ka pag sinabi ko ang totoo eh. I’m sorry.”
Someone knocked on the door, yung nurse. May sinabi yung nurse pero hindi ko naman naintindihan, ang naintindihan ko lang yung sinabi na mamaya na daw. Fuck! May itinurok sakanya. Shit! Eto na. I kissed him then I said, “Please, balik ka ha!“
That’s it. Yun na yun. Wala na.
Nagising na lang ako habang umiiyak.