Do I really need to do it?

Moving on.

Hard, right?

I don’t know if I can do it right

Or I just want to do it wrong and not move on at all.

How can you move on if there is no reason to move on?

Hindi naman naging kami.

Hindi naman niya alam na gusto ko siya.

Is that a reason for me to move on?

He’s taken.

Is that enough?

Or I just really need to tell him what I feel then move on for the sake of moving on.

But what about our friendship?

I don’t wanna lose him as a friend.

Yun na nga lang ang connection naming dalawa hahayaan ko pa bang mawala?

Moving on.

Hard, right?

I don’t know if I can do it right

Or I just want to do it wrong and not move on at all.

Advertisements

Panaginip nga lang ba talaga?

Mahimbing ang aking pagtulog dahil alam kong nasa tabi kita. 

Nagkukwentuhan tayo nang makatulog ako, ang sarap kasi ng paghaplos mo sa buhok ko.

Uuwi ka na… yun ang sabi mo. 

Pinilit mo akong gisingin.

Pero ako’y himbing na himbing.

Pinilit kong magmulat.

Maliwanag.

Nakakasilaw.

Pero mas nakakasilaw ang ngiti mong bumungad sa akin. 

Pumikit ulit ako.

Hinaplos mo ang pisngi ko.

Ang sarap patigilin ng oras.

Bumulong kang aalis na sabay halik sa aking sintido.

Ngumiti lang ako at natulog na ng mahimbing. 

Back to pagiging PALABOY

Hanggang ngayon hindi ko parin maisip kung tungkol saan at ano ang gagawing kong blog entry ngayon. Eto ang una kong post para sa taong 2014 kaya dapat medyo makahulugan ito. Yung tipong mapapa comment at like sila pag nabasa nila at mas matindi eh kung mairerekomenda pa nila itong basahin ng iba. Pero naisip ko rin na mababaw akong magsulat, hindi ko kayang gumawa ng ganung entry na may malupit na impact sa mga tao. Hindi rin feel good posts ang mga sinusulat ko. Ewan ko ba kung bakit naglakas loob pa ko gumawa ng ganito. Hahaha. Parang diary lang pero lahat pwedeng bumasa. Trip ko lang talaga kayo idamay sa kalokohan ko at bigyan ng free pass sa sarili kong mundo.

Ayun ang balak ko ngayong 2014, ang isama kayo sa sarili kong mundo. Gusto kong makita ninyo ang mga nakita ko. Mag kwento ng mag kwento. Matikman ang masasarap ng nakain ko (hindi ko alam kung paano, baka anyayahan ko na lang kayo sa bahay para ipagluto. :D). Ipadama mga nararamdaman ko. Ipa-imagine ang mga weirdong bagay na naglalakbay sa aking kaisipan. Basta. Magiging madaldal ako ngayong taon!

Hindi ko alam kung nainggit lang ako sa mga nabasa ko kaya ako ganito ngayon pero kung ganoon man… okay lang yun, may maganda namang kinalabasan. Muli nanaman akong tumipa na sana mag tuloy-tuloy na. May isa rin akong passion na matagal-tagal na ring natutulog, ang pagkuha ng litrato na sana mabuhay na muli ngayong taon. Ang arte kase eh, gusto munang bumili ng DSLR bago magising. Tse!

Basta ang pangako ko sa sarili ko ngayong taon ay maglalakbay sa kung saan-saan, magsusulat, kakain ng masarap (di bale ng tumaba), kukuha ng magagandang litrato, at sisimulan ng burahin isa-isa ang nasa bucket list ko.

Special request din pala ng nanay ko na magpakabait na ako ngayong taon. Hmp. Buti pa si ama ang tanging hiling lang ay mag suklay muna bago pumasok sa trabaho. Hahaha.

-ieane (palaboy)

Sana panaginip na lang ang lahat.

Sana panaginip na lang ang lahat. Hindi sana nasira ang kwento ko.. Pwede ko parin sanang lokohin ang sarili ko na yung lalake sa panagip ko ay nag-eexist somewhere. Pero hindi ko na pwedeng gawin yon. Ikaw kase yung lalake sa panaginip ko, i-deny ko man sa sarili ko ng paulit-ulit. Fuck.

Sana panaginip na lang ang lahat. Sana hindi na lang kita nakilala. Well of course it’s my fault again. Bwisit kasi ang weakness ko sa lalaking may tats at astig na buhok. Fuck.

Sana panaginip na lang ang lahat. Sana hindi ka na lang lumabas mula sa panaginip at kwentong nabuo ko. Pero in the first place hiniling ko naman na sana mag exist ka eh. Hindi nga lang naging maganda ang katapusan ng kwento nating dalawa. Pero hindi pa ako sigurado kung eto na nga ba ang katapusan. Hindi pa ako masaya sa ending. Wala naman kasi talagang ending eh. Bigla ka na lang nawala. Akala ko akin ka lang? Ayun kaya ang sabi mo. Tinanong kita kung ayaw mo na. Pero sabi mo gusto mo pa. Aba, loko ka pala eh! Fuck.

Kasalanan ko bang nawalan ka na ng gana sa akin? Gusto kong malaman kung bakit mo na lang ako basta iniwan. Sabagay basta-basta ka na nga lang sumulpot sa buhay ko e kaya nga siguro basta ka na lang din nawalang parang bula. Pero I don’t get it?! Kung ayaw mo na. Kung nawawalan ka na pala ng gana. Bakit hindi mo nagawang sabihin sa akin ang salitang “paalam”? Is it really hard? O sadyang ganyan ka lang talaga? You let a woman fall for you, fight for you then you just leave her without saying goodbye? Such an asshole! Mas okay sana ako kung nagawa mong mag sabi ng totoo. Kaya ko naman tanggapin na ayaw mo na sa akin kesa bigla mo na lang akong iiwan. At least alam ko kung aantayin kita o mag momove-on na ko.

Right now, I still don’t know what to do. Sana panaginip na lang ang lahat para pagkagising ko may posibilidad na wala akong maalala kahit ano.

Ang pagputok ng bula

Yung tumalon ka sa isang tulay, kampante ka kasi  may suot kang harness pero biglang naputol ang lubid.

Kampante ka parin na mabubuhay ka kasi tubig naman ang babagsakan then you realized na di ka nga pala marunong lumangoy.

Nahulog ka na sa tubig pero di ka parin sumuko dahil may narinig kang boses.

May rescuer.

Yes, mabubuhay ka!

Pero may tumalon palang isang magandang babae at siya ang sasagipin.

Hindi ka napansin o sadyang hindi ka lang talaga pinansin?!

Napagod ka ng sumigaw at labanan ang pwersa na hinihila ka pailalim.

Inagos na ng tubig ang iyong pag-asa.

Ang sanang masayang experience ay nauwi sa siyam na araw na coffee party sa bahay mo. 

Salamat sa alaala.

Ikakahon at ibabaon ko na lamang sa kailaliman ang bagong tuklas na damdamin.  

Praning

Hindi ko alam kung ano exactly itong nararamdaman ko. Medyo bago to sa sistema ko kaya hindi ako pamilyar sa ganitong pakiramdam. Alam ko matagal na akong praning pero iba kase yung pagkapraning na nararamdaman ko.

Napapraning ako pag hindi ko alam kung nasaan ka at pag hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo. Marahil ay dahil nakasanayan ko ng alamin araw-araw kung ano ang ginagawa mo o kung nasaan ka. Normal ko na kasing tanong yon sayo araw-araw. Kaya ngayong ilang oras ka ng hindi nagpaparamdam sa akin ay matinding pagkapraning na ang nararamdaman ko isama pa ang nakakabaliw na pinakikinggan ko. Punyeta naman kase eh, asan ka ba? 

Of course I wont post this on facebook. Kasalukuyan ko pa lang kaseng pinag-aaralan ang nararamdaman ko sayo kaya hindi makakabute sa kung ano mang relasyon meron tayo ang mabasa mo to. Pero for sure pag nagparamdam ka na ngayong araw na to mamumura kita. Pero dahil hindi ko naman kayang gawin yon sayo I might as well just shut up and try not to fucking reply with your text message (as if I can do that).

I just checked my phone awhile ago and still wala paring mensahe galing sayo. Lintek naman! Ano bang ginagawa mo? Masyadong malawak at nakakabaliw ang mga imahinasyon ko. Kung alam mo lang kung ano ang naiisip ko. Lintek ka talaga!

I texted you good fucking night kagabe pero kahit smiley o kahit na ano wala akong nareceived na reply mula sayo. Kung hindi ko lang alam ang lifestyle mo malamang na ang iisipin ko lang na baka wala kang load o kaya tinatamad ka lang na itext ako. Pero dahil sa lifestyle mo puro bullshit na pangyayare ang naiisip ko kaya ka hindi nagpaparamdam sa akin. Letse naman!

Ayoko ng mapraning ng ganito kaya parang awa mo na magparamdam ka na! Punyeta naman kasi eh. Natatakot ako lage para sayo. Lage ko na lang naiisip na baka may masama ng nangyare sayo tapos yung huling text ko pa sayo medyo nakakagago. Fuck naman oh! 

__________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ang paglalabas ng sama ng loob ng babaeng nag-aalala sa lalakeng gusto niya pero di niya masabe sa lalake dahil walang kwenta ang babaeng ito.

ALERT

July 13, 2009

Ang galing ko! Akala ko hindi ko matatapos ang 1st year 1st sem sa CvSU pero kamusta naman? 2nd year na ko ngayon! Wahahaha! buti na lang may mga taong umimpluwesya sa akin ng mabute… ang ALERT! Nakupo kung wala yung mga yon hindi ako aabot ng 2nd year sa Indang. Ngayon super OKS na… masaya na eh!

Thanks ALERT!

 

September 9, 2012

I miss ALERT.

I miss those days when we are always together. I miss eating with them every break for the past three years. I miss having non-stop conversations with them. I miss doing things with them. i really miss them so badly.

But we have our own lives now. We have our own things to do. We can’t do things together now because we have our own lives to live. We are not in school anymore. We are done with that. We are living with our own lives now. I should move-on with that. Hindi na pedeng umasa na lang lage sa tulong nila. Kailangan ko ng kumilos mag-isa katulad ng ginawa nila. Hindi na pedeng matakot na lang ako palage, dahil wala ng mangyayare sa akin pag ganon. Kung nakaya nila, kakayanin ko rin.

Tapos na ang mangarap kasama sila. It’s time to make that dreams come true with or without their help.

It’s time para tumayo sa sariling mga paa. Tama na ang pag e-emo for the past week. Walang mangyayare kung hindi ako kikilos.

Future is scary but you can’t run back at the past because it’s familiar.” HIMYM

Hindi ako pedeng mag-tago habang buhay dahil lang natatakot ako. Dapat kong harapin ang mundo may kasama man ako o wala because at the end of the day, umiyak man ako o tumawa may mga taong andyan na handa akong i-comfort pag sinabi kong hindi ko na kaya. 

 

September 24, 2013

 

Kung batang bog ka, imagine me making pa-cute habang nagsasabing, “Tara! libre mo ko!” :p